2 opisyal ng UN, dinukot sa central Congo

By Kabie Aenlle March 14, 2017 - 04:19 AM

tied hands handcuffKinumpirma ng pamahalaan ng Congo ang pagdukot ng mga hindi pa nakikilalang kidnappers sa dalawang opisyal ng United Nations sa Kasai Central province.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Congolese government, nakilala ang mga dumukot na si Michael Sharp, US citizen, at Zaida Catalan na isang Swedish.

Dinukot rin ng mga nasabing suspek ang apat pang Congolese na kasama nina Sharp at Catalan sa may Ngombe village.

Tumanggi naman munang magsalita ang isang tagapagsalita ng UN tungkol sa insidente, habang tiniyak naman ng Congolese Information Minister Lambert Mende na ginagawa na nila ang lahat upang mapalaya ang mga bihag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.