Trillanes bahagi ng destabilization plot ayon kay Lacson
Tahasang sinabi ni Sen. Ping Lacson na kabilang si Sen. Antonio Trillanes sa mga nasa likod ng planong pagpapa-bagsak sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng mga reporter sa Senado, sinabi ni Lacson na malinaw naman na kabilang si Trillanes sa mga nagsusulong ng panggugulo sa laban sa gobyerno.
“Naging part ako ng destabilization during the past administration, not under President Aquino, before that. And I know a destabilization activity when I see one. So yan naging basehan kung bakit parang this looks or this sounds familiar….ano ba aim, bakit pursigidong ipalabas o ma-prolong, ma-extend ang hearing? Isa lang naman eh, to bring down the administration,” ayon kay Lacson.
Mula sa pagiging handler ni dating SPO3 Arthur Lascañas ay malinaw na ayon kay Lacson na hindi lamang ang sinasabi ni Trillanes na katotohanan ang gusto niyang palabasin sa Senate investigation.
Kasunod na umano nito ang pagpapabagsak sa pamahalaan kasama ang ilang personalidad na hindi naman niya pinangalanan.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na dapat maghanda si Duterte dahil ang buwan umano ng Mayo ang magiging simula ng kanyang pagbagsak sa pamamagitan ng impeachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.