De Lima kaagad na ibinalik sa kulungan makaraang iharap sa QC court

By Ruel Perez March 13, 2017 - 05:04 PM

Leila Free
Photo: Jan Escosio

Naibalik na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Sen. Leila de Lima matapos dumalo sa arraignment ng kaso sa Quezon City Metropolitan Trial Court.

Kaagad na dumiretso sa loob ng PNP Custodial Center ang coaster na lulan si Sen de Lima na dumalosa ginawang pagbasa ng sakdal sa QC MTC sa kasong disobedience to summons kaugnay sa pagbabawal niya kay Ronnie Dayan na sumalo sa Senate hearings.

Hindi naman nakapagpaunlak ng panayam si De Lima dahil na rin sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng base police sa PNP Custodial Center.

Nakapiit si De Lima sa Camp Crame matapos na mag-voluntary surrender sa CIDG-NCR na may hawak ng warrant of arrest mula naman sa Muntinlupa RTC kung saan ihinain ang iba’t ibang kaso dahil umano sa pagkakasangkot ng senadora sa ilegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Nauna nang tiniyak ng pamunuan ng PNP ang seguridad ng mambabatas sa ilalim ng kanilang pamamahala.

TAGS: Camp Crame, de lima, qc mtc, Camp Crame, de lima, qc mtc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.