NPA leader patay sa bakbakan sa Camarines Sur
Nasawi ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ng kaniyang grupo ang mga tauhan ng Philippine Army sa Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala lamang ang NPA lider bilang “Kumander Nicky”.
Nagpapatrulya umano ang mga sundalo sa lugar nang maka-engkwentro nila ang hindi bababa sa 30 miyembro ng NPA.
Tumagal pa ng mahigit isang oras ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo.
Umatras na umano ang mga rebelde, pero bumalik si “Kumander Nicky” para kunin ang mga naiwan nilang armas, at doon na siya nabaril ng mga sundalo.
Nakuha naman sa lugar ang matataas na kalibre ng baril at improvised explosive devices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.