Konsehal sa Zamboanga del Sur, patay sa pananambang sa Maynila

By Kabie Aenlle March 13, 2017 - 04:25 AM

 

crime-scene-300x200Walang ideya ang mga pulis Maynila sa motibo sa pagkamatay ng isang konsehal ng Zamboanga del Sur, matapos itong barilin sa C. M. Recto sa Maynila noong Sabado ng hapon.

Bagaman patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente, hindi pa rin nila alam kung ano ang mga posibleng motibo ng pagpatay kay Embang Bonga na mula sa Dimataling, Zamboanga del Sur.

Namimili lamang si Bonga ng mga pasalubong matapos dumalo sa event ng Councilors League of the Philippines sa World Trade Center sa Pasay City, nang bigla siyang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Isinugod siya sa ng kaniyang mga kasamahan sa Jose Abad Santos Hospital, ngunit idineklara siyang patay ganap na 3:02 ng hapon.

Hindi naman maaring isailalim sa autopsy ang bangkay ni Bonga dahil sa kaniyang relihiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.