Hinihinalang rebelde patay sa bakbakan sa Camarines Sur

By Kabie Aenlle March 13, 2017 - 04:22 AM

 

npaPatay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA), habang nakumpiska naman ang limang matataas na kalibre ng baril sa pakikipagbakbakan ng rebeldeng grupo sa mga sundalo sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Kabilang ang nasabing hindi pa nakikilalang rebelde sa grupo ng mga NPA na naka-engkwentro ng platoon ng mga sundalo mula sa 83rd Infantry Battalion at 9th Infantry.

Ayon kay 9th Infantry Division spokesperson Capt. Joash Pramis, naganap ang insidente bago mag-tanghali ng Linggo sa Brgy. Pinamihagan sa naturang bayan.

Base aniya sa report ni 83rd Infantry Battalion commender Lt. Col. Eduardo Monjardin, tinimbrehan sila ng mga residente tungkol sa presensya umano ng mga rebeldeng NPA na nangingikil sa kanila.

Inabot sa 10 minuto ang bakbakan na ikinasawi ng isang rebelde, habang narekober naman ng mga sundalo ng Army ang isang machine gun, tatlong M16 rifles, M14 rifle, isang granada at mga dokumentong naiwan ng nagsi-takas na grupo ng NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.