Pilipinas, hindi makakatikim ng kapayapaan kung hindi lilipat sa pederalismo-Duterte

By Jay Dones March 13, 2017 - 04:29 AM

 

duterteSinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon ng anibersaryo ng kanyang partidong PDP-Laban upang himukin ang publiko na suportahan ang kanyang isinusulong na ‘pederalismo’.

Sa kanyang talumpati sa naturang okasyon, sinabi ni Duterte na malaki ang maitutulong ng pederalismo sa mga taga-Mindanao upang maatim ang minimithing kapayapaan sa bansa.

Paliwanag ng pangulo, naging kapansin-pansin na kahit noong panahon ng kampanya, wala ni isa sa mga kandidato o maging mga mambabatas ang nagbabanggit ng mga problemang kinakaharap ng kanyang rehiyon na pinanggalingan.

Dahil dito aniya, lalong lumakas ang kanyang hangaring isulong ang pederalismo.

Kung hindi aniya maibibigay sa mga Moro ang federal set-up, hindi makakaranas ng kapayapaan ang bansa.

Pagtitiyak ng pangulo, sakaling ma-ratipikahan ang federal form of government, agad siyang bababa sa puwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.