14 patay, 467 arestado sa unang mga araw ng ‘Oplan Double Barrel Reloaded’

By Isa Avendaño-Umali March 12, 2017 - 06:10 PM

 

dead manggahan pasig1Pumalo na sa labing apat ang mga napatay habang 467 na drug suspects ang naaresto sa tinaguriang ‘Double Barrel Reloaded’ ng gobyerno.

Ayon sa Philippine National Police ang naturang bilang ay nairekord mula March 6 hanggang 12, 2017.

Ang labing apat ay nasawi sa 281 na police operations, mula nang magsimula ang pagpapatupad ng Double Barrel Reloaded.

Sinabi ng PNP na ang arestadong 467 drug suspects sa bagong Oplan Tokhang ay dahil sa patutulungan ng mga barangay official at mga tauhan ng PNP.

Batay pa sa datos ng PNP, aabot sa 5,164 na mga bahay ang nabisita ng mga pulis mula noong March 6 hanggang sa weekend.

Sa unang anim na araw ng bagong Oplan Tokhang, nasa labing siyam na drug suspects ang sumuko.

Matatandaan na ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Double Barrel kasunod ng kaso ng pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Binuo naman ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang Drug Enforcement Group o PNP-DEG, na kapalit ng binuwag na Anti-Illegal Drugs Group o AIDG.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.