KADAMAY, hihingi ng tulong kay Pangulong Duterte
Nanawagan ang grupong KADAMAY kay Pangulong Rodrigo Duterte na maki-alam na sa Occupy Bulacan.
Sa harap ng bantang puwersahang pagpapa-alis sa kanila ng National Housing Authority sa kanilang mga miyembro na umokupa sa mahigit na limang libong housing units sa Pandi at San Jose del Monte Bulacan sa loob ng pitong araw.
Ayon kay Carlito Badion, Sec. General ng KADAMAY, sa Lunes, magtutungo sila sa Mendiola para manawagan kay pangulo.
Iginiit ni Badion, na may karapatan sila sa mga nasabing pabahay tulad ng naipangako ni Pangulong Duterte.
Babala pa ni Badio, posibleng hindi huli ang ginawa nila sa Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.