All-out war, hindi solusyon sa pagwawakas ng pagrerebelde

By Rohanisa Abbas March 11, 2017 - 04:07 PM

npa (1)Hinimok ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang backchannel talks National Democratic Front (NDF) sa halip na magsagawa ng all-out war sa mga rebeldeng komunista.

Ipinahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes na baka maging “number one recruiter” pa ng New People’s Army si Duterte kapag inapakan ng pangulo ang ipinaglalaban ng mga ito.

 

Giit ni Renato, hindi mawawakasan ng all-out war ang pagrerebelde ng mga komunista.

Inihalibawa ng Bayan ang naging mga hakbang ng mga administrasyon simula nang rehimeng Marcos na nagdeklara ng all-out war ngunit hindi rin nagtagumpay ang gobyerno.

Sinabi ni Renato na pinakamianam pa rin na solusyon sa mga isyung kaugnay ang armas ay ang usapang pangkapayapaan.

Magugunitang nauna nang ipinahayag ng Malacañang na tiyak na makaapekto sa peace talks ang pananambang ng NPA sa apat na pulis sa Bansalan, Davao del Sur.

Kinundena rin ng pangulo ang insidente at idineklarang maaari nang tugisin ng pulisya at militar ang mga rebeldeng komunista.

TAGS: all out war, BAYAN, duterte, komunista, NPA, peace talks, rebelde, all out war, BAYAN, duterte, komunista, NPA, peace talks, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.