Dalawa ang patay sa pro-Park protest sa South Korea
Dalawa ang nasawi sa isinagawang protesta ng mga tagasuporta ng pinatalsik na presidente ng South Korea na si Park Geun-hye.
Isang 72-anyos na lalaki na nakilala lamang sa apilyidong Kim ang nakita ng mga kasamang nagpoprotesta na duguan na ang ulo at nang isugod ito sa ospital ay idineklarang dead on arrival.
Samantala, isa pang 60-anyos na lalaki ang nasawi din matapos matagpuang walang malay sa subway station malapit sa korte na naglabas ng impeachment decision kay park.
Ang mga tagasuporta ni Park ay nagtipun-tipon sa central Seoul para iprotesta ang desisyon ng Constitutional Court na nagpapatibay sa impeachment sa presidente.
Maliban sa dalawang nasawi, mayroon pang dalawa na isinugod sa pagamutan.
Ang mga nag-rally at mga rumespodeng pulis ay nagkainitan matapos tangkain ng mga supporters ni Park na mag-martsa papalapit sa korte.
Naging marahas din ang protesta matapos gumamit umano ng makeshift weapons ang mga nagra-rally gaya ng kahoy para makapanlaban sa mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.