Arraignment ni Cong. Pichay sa Sandiganbayan, muling naudlot

By Isa Avendaño-Umali March 10, 2017 - 04:55 AM

Rep. Prospero PichayNaudlot na naman ang pagbasa ng sakdal kay Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay kaugnay sa kaso ng umano’y maanomalyang pagbili ng Local Water Utilities Administration o LWUA ng isang thrift bank.

Dahil dito, itinakda ng Sandiganbayan 4th division ang arraignment ni Pichay sa May 30, 2017.

Nakabitin pa kasi ang motion for reconsideration ng depensa at prosekusyon ukol sa pagpapadetermina ng probable cause sa mga asunto laban kay Pichay.

Ang mambabatas ay nahaharap sa kasong graft at paglabag sa banking regulations.

Nauna nang naibasura ng korte ang kasong malversation laban kay Pichay.

Kapwa niya akusado ang negosyanteng si William Gatchalian na may-ari ng thrift bank na binili noon ng LWUA.

Sabit din sa kaso ang iba pang miyembro ng pamilya Gatchalian maliban kay Senador Sherwin Gatchalian na abswelto na sa kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.