Bagyong Ineng nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility

August 18, 2015 - 01:22 PM

Aug 18 GoniNakapasok na ng bansa ang bagyong Ineng alas 12:00 ng tanghali kanina, Martes, August 18.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Cris Perez, napanatili ng bagyong Ineng ang taglay nitong lakas ng hangin na 170 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 205 kilometers kada oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,420 kilometers East ng Aparri sa Cagayan
Ayon kay Perez, dalawang scenario ang tinitignan nilang posibleng maging kilos ng bagyong Ineng.

Una ay hindi ito tatama sa kalupaan ng bansa at magtutuloy-tuloy paakyat sa Taiwan. At ikalawa, ay magla-landfall ito sa extreme Northern Luzon at makaka-apekto sa Northern at Central Luzon.

Magugunitang sa panayam sa Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Glaiza Escullar na tumama man o hindi sa kalupaan ay magtataas ng public storm warning signal ang PAGASA sa ilang bahagi ng extreme Northern Luzon.

Paliwanag ni Escullar, kahit dumeretso paakyat ang bagyo sa Taiwan, hagip pa rin ng rainband nito ang Northern Luzon.

Sinabi ni Escullar na maaring sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga itaas ang public storm warning signals. “Sa Northern Luzon, itataas ang storm warning signals late Wednesday or Thursday morning,” ayon kay Escullar.

Dagdag pa ni Escullar, ang hanging habagat na palalakasin ng bagyo ay mararamdaman sa Visayas at Eastern Mindanao mula sa Miyerkules. Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan aniya ang mararanasan sa nabanggit na mga lugar.

Sa Huwebes naman magsisimulang maramdaman ang Habagat sa Southern Luzon, Western Section ng Luzon at sa MIMAROPA kabilang ang Metro Manila. Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang maararanasan sa nasabing mga lugar, pero sa Biyernes mas lalakas ang pag-ulang epekto ng habagat./ Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: Typhoon Ineng enters PAR, Typhoon Ineng enters PAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.