Harvard dropout na si Mark Zuckerberg, magiging speaker sa graduation ceremonies ng unibersidad

By Jay Dones March 09, 2017 - 04:14 AM

 

mark zuckerbergSi Facebook founder Mark Zuckerberg ang magsisilbing commencement speaker sa Harvard University para sa graduation ceremonies sa May 25.

Si Zuckerberg ang isa sa pinakasikat na college dropout ng Harvard matapos nitong itaguyod ang Facebook na pinakapopular na social media site sa ngayon.

Sa isang video na ipi-nost sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Zuckerberg ang speaking engagement habang kasama si Bill Gates na founder ng Microsoft.

SI Gates ay isa rin sa mga dropout ng Harvard at naging commencement speaker ng unibersidad nong 2007.

Sa video, pabirong tinanong pa ni Zuckerberg kung batid ba ng Harvard na hindi sila aktuwal nan aka-graduate sa unibersidad.

Si Zuckerberg ay nag-dropout sa Harvard noong ito ay nasa second year college pa lamang noong 2004.

Gayunman, bago ito umalis ay sa Harvard niya nabuo ang Facebook na eksklusibong ginagamit lamang noon ng mga estudyante ng unibersidad.

Gayunman, sa kanyang pag-alis sa Harvard, kanya na itong ipinakalat sa mundo at ngayon ay nagagamit na ng nasa isang bilyong katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.