Drug pusher patay sa PDEA operation

By Alvin Barcelona March 08, 2017 - 07:57 PM

shabu
Inquirer file photo

Nasawi ang isang bigtime pusher sa Davao city makaraang manlaban sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Abdul Panda Sandy na kabilang sa drug watchlist ng Davao Region ay nabatid na nagtangkang tumakas at nakipagbarilan sa mga aaresto ditong ahente ng PDEA.

Ayon Lapeña, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Regional Office 11 (PDEA11) sa ilalim ni Director Adzhar Albani sa Purok Sta. Ana, Barangay Indangan, Buhangin District, Davao City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaka-kumpiska ng 25 gramo ng  shabu na may street value na P375,000 at isang kalibre 45 pistola na puno ng bala na ginamit nito sa pakikipagbarilan sa mga operatiba ng PDEA.

TAGS: Davao City, lapeña, PDEA, Davao City, lapeña, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.