Trillanes at Pacquiao nagkainitan sa Senado
Nagkaroon ng tensyon sa Senado makaraan ang privilege speech ni Sen. Antonio Trillanes kung saan ay kanyang ipinagtanggol ang testimonya ni dating SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Partikular na binigyang-diin ni Trillanes ang ilan umanong mga senador na nagmamagaling sa isyu ng “spiritual renewal” na nauna nang sinabi ni Lascañas na dahilan kung bakit niya binbaliktad ang kanyang mga naunang pahayag kaugnay sa Davao Death Squad.
Kaagad na nagtanong si Sen. Manny Pacquiao kung siya ba ang pinatutungkulan ni Trillanes bagay na itinanggi naman ng mambabatas.
Humingi rin siya ng paumanhin kay Pacquaio kasunod ng pagsasabing hindi lang naman ito ang nagsabi ng ilang mga pahayag ukol sa spiritual renewal.
Iginiit naman ng pambansang kamao na hindi niya iginigiit ang kanyang pagiging spiritually renewed kay Lascañas.
Pinagsabihan rin ni Pacquiao si Trillanes na huwag niyang bigyan ng masamang pangalan ang Senado dahil sa kanyang mga pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.