Isa pang law graduate mula sa San Beda ang nakatakdang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Mahistrado ng Supreme Court.
Si Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam ang papalit kay Justice Arturo Brion na nagretiro noong December 29, 2016.
Si Tijam ang ikalawang appointee ni Duterte sa Supreme Court makaraan niyang italaga si Sandiganbayan Justice Samuel Martires na isa ring graduate ng San Beda College.
Pinalitan ni Martires si Associate Justice Jose Perez na nagretiro noong nakalipas na Marso 2.
Sa ilalim ng ating Saligang Batas, ang pangulo ay dapat mag-appoint ng kapalit ng nagretirong Associate Justice sa loob ng 90-days.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.