Yasay, dapat i-reject na ng CA ayon sa ilang mambabatas

By Kabie Aenlle March 08, 2017 - 05:07 AM

yasay1Hinimok ng ilang mambabatas ang Commission on Appointments (CA) na huwag i-bypass, bagkus ay i-reject nang tuluyan ang confirmation ni Foreign Sec. Perfecto Yasay Jr. dahil sa isyu sa kaniyang US citizenship.

Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, ito dapat ang gawin ng CA dahil sa pagsisinungaling ni Yasay tungkol sa kaniyang citizenship.

Sumang-ayon naman si Caloocan Rep. Edgar Erice, at sinabing tungkulin ng CA na i-reject ang nominasyon ni Yasay.

Samantala, iginiit ni Yasay na siya ay Pilipino hindi lang sa legalidad, kundi pati sa isip, salita at gawa.

Nilinaw rin niyang hindi siya nagsinungaling sa CA nang ibigay niya ang kaniyang mga testimonya, at na patuloy niyang paninindigan ang kaniyang mga naging pahayag.

Ayon naman kay presidential spokesperson Ernesto Abella, masyadong pinangungunahan ng mga miyembro ng komisyon ang sitwasyon nang sabihin nila na posible nilang tanggihan ang nominasyon ni Yasay.

Dagdag pa ni Abella, ang pahayag ni Yasay ay “logical, credible, open and transparent.”

Kabilang naman na sa bagong patakaran ng CA ang “three-strike” rule, kung saan ang mga nominees na tatlong beses nang na-bypass ng komisyon ay hindi na maaring muling ma-reappoint ng pangulo.

Pinaalala rin ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na oras na ma-reject ang isang nominee, hindi na ito maaring ma-reappoint, alinsunod na rin sa Konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.