Nai-cremate na ang mga labi ng yumaong si dating Senador Agapito ‘Butz’ Aquino.
Nagdaos muna ng misa alas 7:00 ng umaga kanina, araw ng Martes sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City bago isinagawa ang cremation pasado alas 9:00 ng umaga.
Dumalo sa nasabing misa ang malalapit na kaanak at kaibigan ng pamilya Aquino.
Kabilang sa mga miyembro ng Aquino clan na maagang nagtungo sa Arlington Chapel ang presidential sisters.
Nakiramay din sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, dating Senador Kit Tatad, at ilang mga kongresista.
Si Butz Aquino ay pumanaw sa edad na 76 sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan, Lunes ng gabi./ Inquirer.net, Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.