Ex-FG Mike Arroyo, muling humirit sa Sandiganbayan na makapag-abroad

By Isa Avendaño-Umali March 08, 2017 - 05:01 AM

mike inq fileMuling nagpaalam si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa Sandiganbayan 7th division upang makabiyahe sa Hong Kong at Japan.

Sa inihain niyang motion for leave to travel abroad, sinabi ni Arroyo na nais niyang umalis sa bansa sa Abril 6 hanggang 16.

Mula Abril 6 hanggang 12 ay mananatili siya sa Ana Intercontinental sa Tokyo, Japan.

Mula Abril 12 hanggang 16 naman ay nasa Holiday Inn Golden Mile sa Tsim She Tsui, Hong Kong siya manunuluyan.

Ipinunto sa mosyon na na-arraign na si Arroyo at nakapaglagak ng piyansa.

Higit sa lahat, tuwing may biyahe-abroad si Arroyo ay bumabalik siya sa Pilipinas, at hindi rin maituturing na flight risk.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng pagbili sa dalawang helicopter ng Philippine National Police o PNP na pinalabas umanong bago.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.