Yasay kinuyog sa Kamara, Perjury case naghihintay sa kanya

By Isa Avendaño-Umali March 07, 2017 - 05:26 PM

yasay
Inquirer file photo

Tahasang tinawag na sinungaling ni Albay Cong. Edcel Lagman si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa hindi pagsasabi ng katotohanan tungkol sa kanyang citizenship.

Sinegundahan ito ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na sinabing nagsinungaling ang kalihim under oath kaya dapat na ibasura ng Commission on Appointment o C.A. ang kanyang appointment.

Ayon naman kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, tila tanggap ng Malacañang ang pagbawi ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa kanyang pahayag ukol sa citizenship niya.

Pero nang magrecant ng testimonya si dating SPO3 Arthur Lascanas tungkol sa Davao Death Squad o DDS, ay katakot-takot na batikos ang inabot nito mula sa administrasyong Duterte.

Malinaw aniya ang pagiging ‘unfair’ ng pamahalaan sa mga kalaban. Giit ni Alejano, hindi karapat-dapat na maging cabinet secretary si Yasay at dapat pa nga itong kasuhan ng perjury.

TAGS: Congress, DFA, PERJURY, yasay, Congress, DFA, PERJURY, yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.