EO sa nationwide smoking ban, lalagdaan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 07, 2017 - 08:05 AM

Smoke warningPipirmahan na ngayon araw, Martes, March 7, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para sa nationwide smoking ban.

Ito ang kinumpirma ni Agriculture Sec. Manny Piñol, matapos ang cabinet meeting sa Malakanyang na idinaos kahapon.

Ang draft ng EO para sa smoking ban ay inihanda ng Department of Health (DOH).

Batay sa nasabing draft ng EO, ipagbabawal na sa lahat ng public areas at loob ng mga establisyimento sa buong bansa ang paninigarilyo maging ang paggamit ng e-cigarettes at vapes.

Ayon kay Piñol, nais ni Pangulong Duterte na aprubahan ang mismong draft EO ng DOH at wala itong planong magdagdag o magbawas sa nasabing panukala.

 

 

 

 

TAGS: doh, nationwide smoking ban, doh, nationwide smoking ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.