Apat na barangay sa Makati, magpupulong bilang paghahanda sa “the big one”

By Kabie Aenlle March 07, 2017 - 04:59 AM

west valley faultTinawagan na ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang mga opisyal ng apat na barangay na nasa kahabaan ng West Valley Fault para dumalo sa mga consultatives meeting bilang paghahanda sa “the big one.”

Ito ay para mas mabigyang kaalaman ang mga barangay officials sa kung ano ang mga dapat paghandaan at gawin sakaling mangyari na ang inaasahang magnitude 7.2 na lindol na maaring maganap anumang oras.

Itinakda na ng pamahalaang lungsod ang mga pulong sa Comembo sa March 8, sa Rizal sa March 15, Pembo sa March 22 at East Rembo sa March 29.

Gagawin nila ang mga nasabing pagpupulong bago ang paglalagay ng mga West Valley Fault markers at mga mohon o concrete landmarks sa 152 na identified areas sa apat na barangay.

Alinsunod kasi sa Comprehensive Land Use Plan 2013-2023, kailangang markahan ang limang metrong napapaloob sa magkabilang bahagi ng fault line bilang open space.

Ayon kay Mayor Abby Binay, para mas maunawaan ng mga residente ang gagawin nilang markers, kailangang maintindihan din muna ng mga ito ang mga panganib na kanilang kakaharapin sakaling mangyari na ang malakas na lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.