Lascañas, binisita umano ng demonyo sa panaginip kaya nagpasyang baligtarin ang naunang testimonya
Humingi ng paumanhin sa senado si retired SPO3 Arthur Lascañas dahil sa kanyang pagsisinungaling sa pagdinig noong nakaraang taon kaugnay ng Davao Death Squad (DDS).
Ayon kay Lascañas, sinabihan lang siya ng isa pang retiradong pulis na si SPO4 Sonny Buenaventura na itanggi ang lahat ng alam niya ukol sa DDS sa senate hearing noong October 3, 2016.
Pero sa kanyang pagsalang ngayong araw sa senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senator Panfilo Lacson, nag-sorry si Lascañas at humingi ng pag-intindi sa kanyang ginawa.
Sa kanyang pagbawi sa unang testimonya ay sinabi ni Lascañas na gusto niyang sabihin ang katotohanan dahil sa takot sa Diyos at para malinis ang kanyang kunsensya.
Kwento pa ni Lascañas, nagsimula siyang mag-isip isip noong siya ay naisailalim sa dialysis dahil sa kaniyang sakit.
Nagkaroon pa umano siya ng masamang panaginip kung saan binisita siya ng ‘demonyo’ at isang malakas na liwanag ang nagligtas sa kaniya.
Doon ayon kay Lascañas nagsimula siyang mapaisip at nangakong magbabagong-buhay na.
Ipinangako umano niyang magsisilbi siya sa Diyos at kabilang dito ang pagsasabi ng totoo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.