DOJ, pinaiimbestigahan ang pagpatay sa volunteer doctor na si Dr. Dreyfuss Perlas
Ipinag-utos ni Department Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pamamaslang sa volunteer doctor ng Department of Health (DOH) sa Lanao Del Norte.
Ayon kay Aguirre, ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-iimbestiga at magsasagawa ng case build-up sa pagpatay kay Dr. Dreyfuss Perlas na naganap noong isang linggo.
Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanya ng report sa itinatakbo ng imbestigaston.
Si Dr. Drey na volunteer ng Doctor to the Barrios ng DOH ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Lanao Del Norte ng suspek.
Ang 31 anyos na duktor ay sakay ng motorsiklo nang tambangan ito ng hindi pa nakilalang suspek.
Samantala, ngayong araw, nagsuot ng itim na arm bands ang mga tauhan ng DOH-Region 7 bilang bahagi ng kanilang panawagan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Perlas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.