Dalawa sugatan matapos masagasaan ng taxi sa Roxas Blvd., sa Maynila
Dalawang lalaki ang nasugatan matapos mabangga ng taxi habang sila ay tumatawid sa kahabaan ng Roxas Boulevard Southbound lane sa tapat ng Rajah Sulayman Park kaninang umaga.
Ayon kay Isabelo Narne, driver ng Glowing Stone Taxi, naka ‘go’ ang traffic lights pero tumawid pa rin ang dalawa.
Bagaman naapakan umano niya ang preno ay inabot pa rin ang dalawang lalaki na nakilalang isang nagngangalang ‘JM’ na nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang minor injuries lamang ang tinamo ng kasama niyang si John Nicolai Salurdaga.
Wasak na wasak naman ang windshield ng taxi na may plakang UBG 982.
Ayon kay Sarne, patungo siya ng airport para ihatid ang kaniyang pasahero ng tumawid at magmistulang magpatintero ang dalawang biktima na kapwa amoy alak at hindi makausap ng maaayos.
Kapansin-pansin ang mahabang skidmark ng goma ng gulong ng taxi sa kalsada, indikasyon ng mabilis ang takbo ng taxi kaya nahagip pa rin ilang metro ang layo sa mga biktima kahit ito ay nai-preno./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.