Ex-Palawan Gov. Joel Reyes at 41 iba pa, kinasuhan dahil sa Malampaya scam
Dagdag na kaso ang kinakaharap ni dating Palawan Governor Joel Reyes matapos itong kasuhan sa Sandiganbayan dahil sa anomalya umano sa 209 na kontratang pinasok nito na pinondohan mula sa royalties ng Malampaya project noong 2008 at 2009 na nagkakahalaga ng P1.53 bilyon.
Bukod kay Reyes, nahaharap rin sa kaparehong kaso ang nasa 41 iba pang personalidad.
Ayon sa 159 na reklamong inihain ng Deputy Ombudsman for Luzon, isinasaad na nagkaroon ng paglabag sa ‘procurement’ ang lalawigan ng Palawan noong gobernador pa ng lalawigan si Reyes.
Pineke rin umano ang maraming accomplishment at inspection reports ng Provincial Engineering Office upang palabasin na maraming proyektong ginamitan ng pondo mula sa Malampaya ang natapos na.
Gayunman, sa pagsisiyasat, marami sa mga proyekto ang hindi pa rin natapos at napag-alamang puno ng iregularidad.
Nagkaroon rin umano ng kuntsabahan sa pagitan ni Reyes at ilan pang mga opisyal upang maigawad ang nasa 209 na proyekto sa 11 consortium firms noong 2008 na isang paglabag sa Government Procurement Act.
Si Reyes na nakakulong na ay nahaharap sa kasong murder dahil sa alegasyong ito ang utak sa pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.