Pro at Anti Trump Protesters, nagkasagupa sa California 

By Ricky Brozas March 05, 2017 - 01:42 PM

Photo courtesy: Stephen Lam/REUTERS
Photo courtesy: Stephen Lam/REUTERS

Naging bayolente ang dapat sana’y pagtitipon bilang pagpapakita ng suporta kay U.S President Donald Trump.

Ito’y nang magkasagupa ang mga supporters ng presidente at mga tumututol kay Trump sa Berkely, California.

Nangyari ang insidente araw ng Sabado sa Amerika kung saan nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ni Trump sa buong bansa.

Nagkapaluan ang magkabilang-panig at may mga gumamit pa ng pepper spray mula sa supporters ni Trump habang ang mga anti-riot police naman ay mistulang walang nagawa kundi panoorin na lamang ang pangyayari sa di- kalayuan.

Ayon sa isang Peter Boykin, Pangulo ng Gays for Trump, marami ang mga galit na grupo na nakisawsaw sa protesta para lamang mag-ingay.

Sinabi naman ng Police Spokesperson na si Byron White, tatlo nasugatan sa girian habang isa naman ang tanggalan ng ngipin, samantalang lima naman ang naaresto.

TAGS: Berkely, California, Pro at Anti Trump Protesters, U.S President Donald Trump, Berkely, California, Pro at Anti Trump Protesters, U.S President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.