Batas para sa Modernization Bill ng PAGASA, aprubado na ng Senado
Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang modernisasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA, upang mas maging aktibo ito sa pagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa panahon.
Ayon kay Senate President Pro-Tempore na si Ralph Recto, na isa sa mga nagsulong ng Senate Bill 2824, isinulong ang nasabing bill upang mabigyan ng sapat na pondo nang makabili ng mga makabagong kagamitan magagamit, tulad ng Doppler radars, at makapagpatayo ng mga world-class weather data center sa bansa.
Ito ay upang mas lalong mapabuti ang pagbibigay ulat ukol sa klima, at panahon, at impormasyon makakatulong sa publiko.
Ayon pa kay Recto, sampung malalaking dopplar radars ang gumagana mula Appari, Cagayan hanggang Surigao del Sur, samantala, limang radar ang ginagawa pa.
Dagdag pa ni Recto, malaki ang maitutulong ng pondong mailalaan para sa pananaliksik at pagpapalawak ng programa.
Ayon sa isinusulong na batas, magbibigay ang Philippine Amusement and Gaming Coporation o Pagcor, ng halos P3 billion, mula sa kanilang kita upang makatulong sa pagbabago ng PAGASA.
Magmumula naman sa iba’t ibang grants, donasyon, Office Development Fund o ODA ang ilan sa karagdagang pondo.
Ayon naman kay Recto, nangngailangan ang PAGASA ng capital na P3.9 billion para sa progamang modernisasyon, kung saan P45 million mula rito ay mapupunta para sa pasweldo sa mga manggagawa, at halos P70 million ay ilalaan para sa mga trainings at scholarships.
Dagdag pa ni Recto, nawawalan ng mga talentado at magagaling na weather forecasters ang PAGASA kaya isinusulong sa modernizatuion scheme ang bagong salary scale, nang sa gayon ay mapanatili ang mga tagapagulat dito.
Nais din ni Recto na magamit ang ilang isinusulong na budget para sa pagsasanay at scholarship program para sa kursong meterology./Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.