Pinatay na barrio doctor, paparangalan ng posthumous service award ng DOH

By Rod Lagusad March 05, 2017 - 05:10 AM
dr-dreyPaparangalan ng posthumous “Bayani ng Kalusugan” award si Dr. Dreyfuss Perlas na pinatay ng hindi pa nakikilang suspek sa Lanao del Norte noong Huwebes.

Ang “Bayani ng Kalusugan” award ay ibinibigay sa mga indibidwal at mga organisasyon na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon para sa pag-abaot ng universal health care ng bansa.Ayon kay Department Health Secretary Paulyn Jean Ubial, naging pinal ito sa kanilang Execom Resolution noong March 3 na base na rin sa sa kanyang mga naging ccomplishments at mga testament mula sa mga executive committee members na personal na nakilala si Perlas.

Ibinahagi ng ina nito na si Leovigilda Perlas, isang guro na laging tumutulong ang kanyang anak sa mga ibang tao kahit na estudyante pa lang ito.

Ayon sa DOH, sumali si Perlas sa Doctors to the Barrio (DTTB) Program para matugunan ang service agreement para sa kanyang medical education scholarship kung saan nagkaroon siya ng pagkakaton na manatili sa kanyang hometown pero mas pinili nito na madeploy sa Sapad, Lanao del Norte sa loob ng dalawang taon.

TAGS: Bayani ng Kalusugan award, Doctors to the Barrio, doh, Dr. Dreyfuss Perlas, Lanao del Norte, Paulyn Jean Ubial, Bayani ng Kalusugan award, Doctors to the Barrio, doh, Dr. Dreyfuss Perlas, Lanao del Norte, Paulyn Jean Ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.