Prosekusyon, pinagkokomento ng korte sa motion to quash ni Sen. De Lima
Binigyan ng korte sa Muntinlupa City ang prosekusyon ng sampung araw para magkomento sa mosyon ni Senator Leila de Lima na ibasura ang mga kaso laban sa kanya na may kaugnayan sa droga Bilibid.
Kinuwestyon ng kampo ni De Lima ang hurisdiksyon ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 sa kaso dahil dapat umanong inihain ito sa Sandiganbayan.
Pero inutos ni Judge Patria Manalastas de Leon na magsumite ang prosekusyon ng pormal na komento sa mosyon ng senadora sa loob ng sampung araw.
Sampung araw din ang ibinigay ng korte para sumagot si De Lima at ang kapwa akusado nito na si dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu.
Binigyan naman ng hukom ang kampo ng mambabatas ng limang araw para magkomento sa mosyon ng prosekusyon na pag-isahin ang mga kaso.
Samantala, hiniling naman ng Department of Justice sa Muntinlupa RTC na maglabas ng gag order sa mga kaso laban sa senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.