Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa pag-ulan dulot ng easterlies.
Sa abiso ng PAGASA, alas 12:00 ng tanghali, yellow warning level ang nakataas sa Davao Oriental, Davao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur at Compostela Valley.
Ayon sa PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Davao City, Samal Island, Bukidnon, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Lanao del Sur, South Cotabato at Zamboanga City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.