P1,000 na dagdag sa SSS pension, pwede nang kolektahin simula ngayong araw

By Kabie Aenlle March 03, 2017 - 03:40 AM

 

sssInanunsyo na ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng mga pensioners ang P1,000 na dagdag sa kanilang pension simula ngayong araw ng Biyernes, March 3.

Sa isang pahayag, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na naglabas na sila ng P2 billion sa kanilang mga pensioners.

Dahil retroactive ang naturang dagdag sa pension, ang matatanggap na P1,000 ngayong araw ng mga pensioners ay ang dagdag sa kanilang pension noong January 2017.

Makukuha naman nila ang P1,000 na dagdag sa pension para sa February sa susunod na Biyernes, March 10, habang sa March 17 naman makukuha ang para sa buwang ito.

Tiniyak naman ng SSS na patuloy silang gagawa ng mga paraan para tumagal ang pondo ng kanilang pension, upang patuloy ring mapagsilbihang ang mga kasalukuyan at mga susunod pang miyembro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.