Natimbog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang dalawang pulis ng Pasig City dahil sa pangongotong.
Tinukoy ni CITF director S/Supt. Jose Chiquito Malayo ang dalawang pulis na sina PO3 Higino Dancel at SPO1 Johan Vega.
Sina Dancel at Vega ay pawang naka-talaga sa Traffic Division ng Pasig City Police Station.
Naaresto sila ng mga tauhan ng CITF, sa pakikipagtulungan sa Eastern Police District at Pasig City Police Station, sa isang entrapment operation pasado alas-6:00 ng gabi ng Huwebes.
Nanghihingi umano ng pera ang dalawang pulis sa mga motorista kapalit ng traffic investigation report.
Kamakailan lang ay dalawang pulis Maynila naman ang aarestuhin din sana ng CITF, ngunit inunahan sila ng pag-aresto ng mga ito sa pag-aakalang sila ay mga holdaper.
Ilang gabi kasing nagsagawa ng surveillance operation ang CITF laban sa dalawang pulis na umano’y nangongotong sa mga dumadaang driver ng truck, jeep at tricycle sa Bonifacio drive sa Intramuros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.