Heavy rainfall advisory, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao
Nagpalabas ng heavy rainfall advisory ang PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng easterlies.
Sa abiso ng PAGASA, alas 9:10 ng umaga, yellow warning level ang nakataas sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Siargao Islands, Dinagat Islands at Davao Oriental.
Babala ng PAGASA ang mga residente sa mababang lugar sa nabanggit na mga lalawigan ay maaring makaranas ng pagbaha.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na naman ang nararanasan sa Davao del Sur, Davao City, Davao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Lanao del Sur, Zamboanga del Norte at Sulu.
Mamayang alas 12:00 ng tanghali muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.