Iba pang kumpanya ng langis nagpatupad ng rollback sa LPG

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2017 - 06:42 AM

LPGNagpatupad na rin ng rollback ang presyo ng kanilang cooking gas o liquefied petroleum gas ang iba pang kumpanya ng langis.

Epektibo alas 6:00 ngayong umaga ng Huwebes, March 2, nagbawas ang Eastern Petroleum ng 35 centavos kada kilo o P3.85 kada 11-kilogram cylinder sa kanilang EC Gas LPG.

Ang Petron ay nauna nang nagpatupad kahapon ng parehong halaga ng rollback.

Habang 32 centavos o P3.52 kada 11-kilogram cylinder ang ipinatupad na rollback kahapon din ng kumpanyang Solane.

Ang bawas presyo sa LPG ay bunsod ng pagbaba ng halaga sa pandaigdigang pamilihan

 

 

TAGS: cooking gas, EC Gas, LPG, cooking gas, EC Gas, LPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.