Panukalang reimposition ng death penalty, mahihirapang ilusot sa Senado

By Kabie Aenlle March 02, 2017 - 03:37 AM

 

Koko-Pimentel1-e1440041621761Kahit na mabilis na naipasa sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang pagbuhay sa death penalty, naniniwala si Senate President Koko Pimentel na magiging mahirap ang paglusot nito sa Senado.

Ayon kay Pimentel, bagaman may pag-asa itong pumasa sa Senado, posible rin itong hindi makalusot.

Magiging mahigpit aniya ang laban sa pag-pasa nito sa mataas na kapulungan, at sa tantya niya, maaring maging 14 versus 10 o 10 versus 14 ang magiging resulta ng botohan dito.

Depende pa aniya ito kung mahihikayat nilang pumayag ang mga senador na talagang ayaw sa parusang bitay.

Samantala, sa personal namang posisyon ni Pimentel sa panukala, sang-ayon naman siya dito kung ang parurusahan lang ay ang itinuturing niyang “most heinous crime” at ito ay ang big-time at high-level na pagbebenta ng iligal na droga.

Pansamantalang natigil ang pagtalakay ng Senado sa nasabing usapin, matapos ipunto ni Sen. Franklin Drilon na hindi maaring ipatupad muli ang death penalty dahil lalabag ang bansa sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) at sa Second Optional Protocol to the ICCPR.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.