Publiko dapat makinig sa Salita ng Diyos, hindi sa tsismis at daldal-Tagle
Sa halip na makinig sa mga tsismisan at mga alingasngas, dapat tumutok na lamang ang taumbayan sa salita ng Diyos.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Katoliko sa naging paggunita kahapon sa Ash Wednesday.
Sa mensahe ni Cardinal Tagle sa mga dumalo sa misa sa Arzobispado de Manila, sinabi nito na marami nang mga naglalabasang mga tsismis at salita na nakakagulo sa isipan ng taumbayan.
Ito aniya ay hindi dapat binibigyan ng importansya ng publiko at sa halip, dapat ay mas tinututukan ng publiko ang salita ng Panginoon.
Hindi rin dapat aniyang binibigyang-bigat ang mga laman ng social media at mga sabi-sabi ng iilang tao.
Umaasa si Tagle na gagamitin ng mga tao ang panahon ng Kuwaresma upang magdasal, makinig at ipakalat ang mga salita ng Diyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.