Sa kauna-unahang pagkakataon, ang China naman ang naging target ng pagbabanta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isang video na inilabas nito.
Ayon sa video na nakuha ng SITE Intelligence Group, makikita ang grupo ng mga armadong miyembro ng ISIS na kabilang sa Uighur ethnic minority na isinasalang sa execution ang isang umanoy informant.
Ang Uighur ay isang grupo ng ethnic minority na naninirahan sa western Xinjiang province at nagpa-practice ng Islam.
Ilan sa mga armadong ISIS ay lumilitaw na pawang mga menor de edad pa.
Pagkatapos nito, direktang binantaan ng mga ISIS members ang China at sinabing babalik sila sa naturang bansa upang maghasik ng lagim doon.
Nagbanta pa umano ang grupo na padadanakin ang dugo sa kanilang tinubuang lupa at ipaghihiganti ang mga inaapi.
Ayon sa isang eksperto, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging direktang target ng pagbabanta ng ISIS ang China.
Malinaw rin aniyang makikita na may mga militante nan a nagmula sa Uighur region ng China ang naghayag na ng kanilang katapatan sa ISIS.jay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.