Mga nagprotestang jeepney driver, kakausapin ni Pres. Duterte

By Chona Yu March 02, 2017 - 04:21 AM

 

JeepneyIpatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang ang mga jeepney driver na nagsagawa ng tigil pasada noong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Matatandaang naglunsad ng tigil-pasada ang ilang transport group noong Lunes para ipakita ang matinding pagtutol sa plano ng Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB) na i-upgrade ang kanilang mga pampasaherong sasakyan.

Sinabi ni Abella na nais ng Pangulo na marinig lahat ang boses ng iba’t ibang sektor ng lipunan para personal na mabatid ang kanilang mga hinaing lalo na at may kinalaman ito sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Gayunman, sinabi ni Abella na wala pang itinatakdang petsa ang pagpupulong.

Nauna ng nakausap ng Pangulo ang ilang labor groups kung saan tinalakay ang mga posibleng solusyon para matuldukan na ang problema sa contractualization o mas kilala bilang “endo o end of contract.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.