“Every problem can be solved, everything can be fixed” – Trump

By Dona Dominguez-Cargullo March 01, 2017 - 12:05 PM

Twitter Photo | @WhiteHouse
Twitter Photo | @WhiteHouse

Nagbitiw ng mga pangako si US President Donald Trump sa mamamayan ng Amerika sa kaniyang kauna-unahang joint address sa kongreso.

Ayon kay Trump, lahat ng mali sa bansa ay kaniyang reresolbahin at itatama.

Lahat ng sira ay aayusin at lahat ng problema ay sosolusyonan.

“Everything that is broken in our country can be fixed. Every problem can be solved,” ayon kay Trump.

Itinuring naman ambisyoso ng mga kritiko ni Trump ang nasabing pangako.

Ilang netizens ang nagtweet at sinabing nagbitiw si Trump ng amibisyoso at maling pangako sa kaniyang ginawang talumpati.

Samantala, ipinangako din ni Trump ang pagbubukas ng health insurance sa lahat ng estado para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan.

Tiniyak din ni Trump na sa lalong madaling panahon ay sisimulan na ang pagtatayo ng aniya’y “great great wall” sa southern border ng US.

Kabilang din sa inilahad ng US president ang direktiba niya sa Department of Justice na bumuo ng Task Force na tututok sa krimen.

 

 

 

 

TAGS: donald trump, Joint address, US, US congress, donald trump, Joint address, US, US congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.