Dating Justice Secretary at Cong. Simeon Datumanong, pumanaw na
Pumanaw na si dating Department of Justice (DOJ) Secretary at Congressman Simeon Datumanong.
Ang 82 anyos na si Datumanong ay pumanaw sa Philippine Heart Center alas 9:40 ng gabi.
Kinumpirma ito ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Leah Tanodra-Armamento.
Sa Facebook post naman sinabi ni Raja Buayan, Maguindanao Mayor Zamsamin Ampatuan na dalawang linggo nang naka-confine sa nasabing ospital si Datumanong bago ang pagpanaw nito.
Nagpahatid din ng pakikiramay ang alkalde sa pamilya ni Datumanong.
Si Datumanong ay naitalaga bilang kalihim ng DOJ noong January 2003.
Limang termino din siyang nanungkulan bilang kinatawan sa 2nd district ng Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.