Ginugunita ngayon ng milyun-milyong mga Katoliko sa bansa ang ‘Ash Wednesday’ na simbolo ng pagsisimula ng panahon ng ‘Kuwaresma’ o ‘Mahal na Araw’.
Karaniwang ginugunita ang araw na ito sa pamamagitan ng pagtungo sa mga simbahan upang magpalagay ng abo sa noo mula sa binasbasan at sinunog na palaspas na ginamit noong nakaraang taon sa panahon ng ‘Palm Sunday’.
Nagpapa-alala ito sa mga Katoliko na ang lahat ay nagmula sa alabok, at babalik rin sa alabok sa panahon ng kamatayan kaya’t dapat ay manatiling maka-Diyos ang mamamayan.
Panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Katoliko, simulan ang paggunita sa panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pangingilin at pag-iwas sa paggastos para sa mamahaling pagkain.
Ito aniya ay panahon ng pangingilin, pagdarasal at reflection.
Ang perang matitipid anila ay maaring kusang-loob na i-donate na lamang upang maipantulong sa mga nangangailangan at nagugutom sa ilalim ng ‘Fast2Feed program ng Simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.