Paris Agreement, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle March 01, 2017 - 04:28 AM

 

AP photo

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Paris Agreement na mag-oobliga sa mga bansa na bawasan ang kanilang greenhouse gas emissions, at isulong ang pagpapaunlad ng renewable energy.

Ayon sa source ng Inquirer, matapos maratipikahan ni Pangulong Duterte, dadalhin na ang nasabing dokumento sa opisina ni Sen. Loren Legarda, upang ma-concur na ang ratipikasyon nito.

Ang nasabing dokumentong tinatawag na Instrument of Ratification ay dadalhin mamayang alas-2:00 ng hapon, at tatanggapin ito ni Legarda bilang pinuno ng Senate climate change committee.

Sinimulan ang proseso ng ratipikasyon sa pagsusumite ng certificates of concurrence (COC) ng mga ahensya ng gobyerno sa Office of the President.

Si Legarda na isang United Nations Global Champion for Resilience, ang tumiyak sa ratipikasyon ng nasabing kasunduang naglalayong bawasan ang epekto ng climate change.

Personal niya pang tinawagan ang bawat pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kanilang COCs, at kinausap rin niya ang economic team ni Pangulong Duterte.

Matatandaang una nang nagbanta si Duterte na hindi niya kikilalanin ang Paris Agreement, dahil naniniwala siyang pahihinain lang nito ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Hindi rin aniya malinaw kung paano magkakaroon ng access sa Green Climate Fund ang mga maliliit na bansa.

Gayunman, wala ring nagawa ang pangulo kundi payagan ito matapos bumoto ang mga miyembro ng Gabinete para paboran ang ratipikasyon nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.