Ethics complaint, isinampa laban kay Trillanes

By Mariel Cruz March 01, 2017 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Isang ethics complaint ang inihain sa Senado laban kay Senator Antonio Trillanes IV, ayon kay Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Bagaman hindi pa nababasa ang kabuuan ng reklamo, sinabi ni Sotto na nakasaad dito ang tungkol sa alegasyon ni Trillanes dalawang taon ang nakalilipas sa dalawang Court of Appeals justices na tumanggap umano ng tig-P25 million para ipatigil ang suspensyon kay dating Makati Mayor Junjun Binay.

Bukod pa dito, nakasaad din sa reklamo ang pag-akusa ni Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na mamamatay tao.

Ayon pa kay Sotto, inihain ang naturang reklamo nga abogadong si Abelardo de Jesus, na siya rin complainant sa ethics cases laban sa nakadetineng si Sen. Leila de Lima.

Pabiro naman sinabi ni Sotto na wala siyang balak na mamahagi ng kopya ng naturang reklamo sa mga miyembro ng ethics committee dahil baka magbago aniya ang kanyang membership.

Matatandaang nagpatupad ng balasahan sa Senado kung saan apat na Liberal Party senators ang tinapyasan ng komite.

Samantala, hindi naman nagpatinag si Trillanes nang banggitin sa kanyang ang tungkol sa nasabing ethics complaint.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.