‘High value syndicates’ target ng AFP sa anti-drug campaign
Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff BGen. Eduardo Año na target ng kanilang kampanya kontra iligal na droga kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mga high level drug syndicate na nag-ooperate sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Ano na very specific ang role ng militar sa kampanya kontra droga kung saan sila ang magbibigay suporta dito.
Binigyang-diin ni Ano na hindi buong AFP ang magiging bahagi sa kampanya kontra droga kundi maglalaan lamang sila ng mga tauhan na siyang susuporta sa PDEA.
Kabilang sa mga units na mapapabilang sa Task Force ay mga intelligence operatives at mga elite forces ng AFP.
Giit pa ni Ano na kung may pangangailangan na dagdagan ang mga sundalo na magiging katuwang ng PDEA ay gagawin nila ito upang mapuksa ang problema sa ilegal na droga sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.