Pagbulagta ng mga tinaguriang “ninja cops” ibinabala ni Duterte

By Chona Yu February 28, 2017 - 07:21 PM

duterteBinalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at ang media na huwag nang magulat kung isa isa nang bumubulagta sa lansangan ang mga “ninja cops” at iba pang uri ng criminal sa bansa.

Ayon sa pangulo, mayroon kasi siyang binuong isang squad sa Philippine National Police na magbabantay sa mga pulis na napatalsik sa puwesto partikular na yung mga nagre-recycle ng droga na tinaguriang ninja cops.

Sinabi pa ng pangulo na ang mga pulis na nasibak sa pwesto ang pinakamapanganib na kriminal sa bansa.
Pagbabanta pa ng pangulo, mamarkahan niya ang mga dating pulis at hindi paliligtasin sa batas.

Pagtitiyak pa ng pangulo, sila ang mga mauunang mamatay sa ilalim ng kanyang administrasyon at tiyak na mabibiyuda ang kani-kanilang mga asawa.

Huwag na aniyang subukan ng mga dating pulis na sirain at lokohin ang gobyerno dahil sila ang magiging special target.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, ninja cops, PNP, duterte, Illegal Drugs, ninja cops, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.