AFP bumuo ng grupong maghahanap sa bangkay ng German hostage ng Abu Sayyaf
Nagtalaga ang Armed Forces of the Philippine (AFP) ng grupo ng mga sundalo para hanapin at malocate ang mga labi ng Aleman na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, nakafocus ang grupo para mahanap ang mga labi ni Juergen Kantner na umano’y pinugutan ng ulo ng ASG matapos mapaso ang itinakdang deadline sa pagbabayad ng P30 Million noong February 26.
Ayon pa kay Arevalo, katulong din umano sa paghahanap sa labi ang local government unit at mga mamamayan sa area ng Indanan at Parang sa Sulu.
Maliban dito, wala rin umanong humpay ang tropa ng pamahalaan sa pagtugis sa mga miembro ng ASG na may hawak pa ng ibang mga bihag.
Sa ngayon, umaabot pa sa kabuuang 32 ang bihag ng ASG na kanilang kasama sa pagtakas sa ginagawang hot pursuit operations ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.