Simbahan pumalag sa pamumugot ng Abu Sayyaf sa kanilang buhag

By Erwin Aguilon February 28, 2017 - 03:19 PM

CBCP
Inquirer file photo

Kinundena ng Simbahang Katolika ang ginawang pamumugot ng Abu Sayyaf sa kanilang bihag na German national noong nakalipas na Linggo ng hapon.

Sinabi ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na isa itong malungkot na panahon para sa mga taong inirerespeto ang kahalagahan ng buhay.

Kinuwestyon ng Arsobispo kung naniniwala pa ba sa Diyos ang mga ito o tanging pera na lamang ang sinasamba nila.

Umaasa aniya sila na hahabulin ng militar ang teroristang grupo at ipapatupad ang batas.

Matatandaang dinukot ang German National na si Jurgen Kantner at kaniyang asawa noong Nobyembre at pinugutan ng ulo noong Linggo makaraang mabigong magbayad ng P30 Million na halaga ng ransom.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, CBCP, Abu Sayyaf, AFP, CBCP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.