Suspek sa panibagong road rage incident sa QC, natukoy na ng pulisya
Nakilala na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa panibagong insidente ng road rage na naganap noong Sabado sa Quezon City.
Ayon sa QCPD, si Fredison Atienza alyas “Sonson” ang bumaril at nakapatay sa 27-anyos na biktimang si Anthony Mendoza matapos silang magtalo dahil sa away sa trapiko.
Sinabi ni QCPD Director Guillermo Eleazar, mali ang unang nainanunsyong plate number ng kulay puti na Toyota Land Cruiser na AHA 3458.
Nang busisiing mabuti ang mas malinaw na kuha ng CCTV, nakitang AHA 3453 ang plaka ng sasakyan ng suspek.
At nang i-verify sa Land Transportation Office (LTO) nakapangalan ang sasakyan sa anak ni Atienza na taga-Quezon City.
Nakatakdang i-turnover sa QCPD ang Land Cruiser, habang patuloy ang hot pursuit operation kay Atienza, bagaman nagpahatid na umano ito ng kahandaang sumuko.
Ayon sa impormasyong nakalap ng QCPD, isang high roller poker player ang suspek.
Mayroon din itong dalawang pag-aaring baril at base sa firearms license record, siya ay residente ng Karuhatan, Valenzuela.
Nang ipakita naman kay Michael Mendoza na kapatid ng biktima ang larawan ng suspek ay positibo nitong tinukoy na iyon nga ang bumaril sa kaniyang kapatid.
@dzIQ990 witness: 101 sure po ako na siya(Fredison Atienza)ang bumaril sa kapatid ko pic.twitter.com/JB1tsniQ5T
— Ricky Brozas (@BrozasRicky) February 28, 2017
Michael Mendoza, brother of victim Anthony, positively identifies Atienza as the killer. pic.twitter.com/EOkZXFtoW7
— Jhesset Enano (@JhessetEnanoINQ) February 28, 2017
Magkasama si Michael at si Anthony na sakay ng motorsiklo nang maganap ang insidente noong Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.